Wednesday, September 28, 2011

Usapang Kalsada

I am writing this next blog in my native language.  For those who do not speak it, we'll be back to regular programming on our next post. =)


May mga pagkakataon na napapakamot ako sa dami ng mga nakikita kong maaari nating iayos pa sa ating bansang Pilipinas.  Una, di ko maintindihan kung bakit kailangan nating tumawid sa di naman dapat tawiran; sumakay sa sasakyang nakahinto sa hindi naman dapat paghintuan.

Ilang linggo ang nakaraan, nasasaksihan ko ang isang aksidente sa Alabang ng isang batang hindi pa siguro hihigit sa 12 anyos ang edad.  Naghihintay sya ng masasakyan sa gitna ng viaduct nang mabangga sya ng dyip na bumabyahe galing sa Pasay City.  Nagkagulo ang lahat ng makita nila ang bata sa ilalim na ng dyip, nakatilapon ang sapatos ng ilang metro din ang layo sa kanya.  Nakasuot ng school uniform.  Impossibleng mabubuhay ang isang tao na nasa ganoong aksidente.  Hangga ngayon, kinikilabutan at natatakot pa rin ako sa aking nakita.  Sa aking isip, paano sasabihin yun sa kanyang mga magulang na siguradong maghihintay sa kanyang pag-uwi? Sa tabi ng bata, merong malaking signage na nakalagay "No Jaywalking."  Pero hindi iyon pinapansin kahit kailan - kahit na pagkatapos ng aksidente, punong-puno ng tao doon tuwing magdadaan kami.

Meron ding foot bridge na nagaa-animong palamuti dahil lahat ng tao sa baba pa rin tumatawid.  Mas madaming gumagawa nito sa madaling araw, kahit na obvious naman na mas delikado nun dahil sa madilim at mas maluwag ang kalsada.  Para kaming nagpapatintero sa pedestrians tuwing dadaan kami malapit sa entrance ng South Expressway.  Bangungunot ko na isang araw ay may mabangga kami - na makaka-"taya" kami.

On the flipside, kahit ang pedestrian lane hindi nire-respeto.  Sa harap ng opisina namin, papunta sa parking lot, parang nananadya pa na mas bibilis pa ang takbo nila kahit alam nilang gusto mong tumawid.  Eto pa yung kasagsagan ng bagyo. Nasa gitna kami ng kalsada habang umuulan at naghihintay na sana meron namang huminto.  Ano nga ba ang tawag dun?  Common courtesy di ba?

Sa ating magulang, ito ang konsepto na kung pupwede lang ay ilayo natin sa ating mga anak.  Alam ko na malayo sa katotohanan na magagawa ko ito. Makikita at makikita nila ang malungkot na katotohanan na hindi lahat ng tao, may pag-aasikaso sa ibang tao.  You have to look after yourself kung baga.  Sana lang pag dumating ang oras na nandito na sila sa ganitong sitwasyon, equipped na sila para protekta ang mga sarili nila.  Pero habang nasa lubos na kalinga pa natin sila, baka naman pwede na sistema naman ang magbago.  The change starts with one person...




No comments:

Post a Comment